July 24, 2016 – Pre-Cana Seminar Bilang Paghahanda sa Libreng Kasalan sa BEC Salapan

Amin pong isinagawa ang Pre-Cana Seminar para po sa dalawang kandidato sa Libreng Kasalan sa aming BEC.  Ginanap ito noong nakaraang Hulyo 24, 2016, mula ika-8:30 hanggang ika-5:00 ng hapon sa Our Lady of the Assumption Chapel sa Brgy. Salapan.  Pinangunahan ito ng ating mga kapatid na sina Bro. Raul & Sis. Nil Reburiano at ilan pang miyembro ng Family Life Ministry.

Ito po ay malugod na ikinasiya ng aming mga participants, at itinuturing nila ito na malaking biyaya para sa pagsisimula ng kanilang pagtatalaga ng pagsasama sa harap ng ating Panginoong Diyos.  Sa lahat po ng masipag at matiyagang umalalay sa paanyaya para sa okasyong ito, maraming salamat po sa inyong tulong at suporta.  Ang Libreng Kasalan po ay gaganapin sa August 13, 2016 Sabado sa ganap na ika-9:00 ng umaga.

God bless us all!

Ni: Sis. Celeste A. Moreno, BSL-BEC Salapan

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.