January 07, 2017 – Misa Pasasalamat ng mga Deboto ng Itim na Nazareno sa St. Joseph Ville

15970462_1505620256132159_1078329035_n
Enero 07, 2017, Sabado ay ginanap ang kauna-unahang misang laan para sa Poong Itim na Nazareno (Black Nazarene) sa St. Joseph Ville. Ito rin ang unang misa sa BEC St. Joseph at St. Joseph Ville para sa bagong taon 2017.
Sa pangunguna ng mga lider ng deboto ng Itim na Nazareno, ginanap ang misa ika-8:00 ng umaga. Ang Kura Paroko ng St. John the Baptist Parish, Msgr. Nestor C. Cerbo, ang naimbitahan ng magmisa.
15995376_1505620376132147_863957170_n
Ang mga deboto ng Itim na Nazareno mula sa St. Joseph Ville at iba pang mga deboto mula sa ibang barangay ay dumalo din sa misang ito. Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan ni Msgr. Nestor ang mga deboto na maging matapat sa kanilang pananampalataya.
Makalipas ang misa, ang mga deboto ay nagtipon at nagsimulang lumakad sa kanilang prusisyon patungong Quiapo, kung saan naman naganap noong Enero 09 ang mismong kapistahan  ng Itim na Nazareno.
Sa lahat nang nakibahagi at tumulong sa misang ito, kami po ay nagpapasalamat sa inyo, pati na rin kay Msgr. Nestor C. Cerbo sa kanyang pangunguna sa misa at pagbabahagi ng mga paalala sa kanyang homiliya.
Ni: Bro. Gary Pascual, BSL-BEC St. Joseph

Leave a Reply

Your email address will not be published.