January 28, 2017 – BEC Building Mass sa St. Josephville

IMG_20170128_191403

Matagumpay na idinaos ang Monthly BEC Building Mass para sa buwan ng Enero sa Building 4 ng St. Josephville, Brgy. St. Joseph. Ito ay pinangunahan ni Rev. Fr. Herbert Camacho, Parochial Vicar ng ating parokya noong ika-28 ng Enero, 2017.

Sa kanyang homiliya, binigyang diin nya ang pagsusumamo ng mahihirap at mahihina na kinalulugdan ng Diyos, at ang kahalagahan ng Beatitudes (Talaan ng Pinagpala) na dapat nating isapuso sa pagsunod sa ating Panginoon.
IMG_20170128_194332
Nagpapasalamat ang BEC-St. Joseph Core Group sa pamumuno ni Bro. Gary Pascual sa lahat ng mga nakiisa sa buwanang aktibidad na ito, gayundin sa mga tumulong sa maayos na pagdiriwang ng Banal na Misa – sa choir na pinangunahan nina Sis. Lanie Benzon ng BEC-Salapan, sa choir ng BEC-Tibagan at St. Joseph gayundin kay Sis. Kim Santos na tumulong na maging Lector at Commentor. Sa Building Officials ng Building 4 sa pangunguna ni Mr. Eduardo Nuesca, Pangulo ng Homeowners ng Building 4 sa paghahanda ng merienda matapos ang misa.
 
Ang susunod na Building Mass ay gaganapin sa Pebrero 25, 2017 sa ganap na ika-7:00 ng gabi sa Building 5. Magkita kita po tayong muli.

Leave a Reply

Your email address will not be published.