March 04, 2017 – First Saturday Devotion and Dawn Procession Pinangunahan ng BEC St. Joseph

Matagumpay na dinaos ang First Saturday Devotion para sa ating Mahal na Ina, noong ika-4 ng Marso, 2017. Ganap na ika-5:30 ng umaga ng umpisahan ang dawn procession na nagsimula sa St. Josephville patungo sa ating simbahan.
Tinahak ng prusisyon ang palibot ng St. Josephville palabas ng P. Santos St., kumanan sa Pinaglabanan Ext. St. palabas ng Pinaglabanan St. at nagtapos sa ating simbahan ganap na ika-6:00 ng umaga.
Sinundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa at pagpapahid ng Banal na Langis na pinamunuan ni Rev. Fr. Herbert John B. Camacho, outgoing Parochial Vicar ng ating parokya. Sa kanyang homiliya, pormal syang nagpaalam sa kongregasyon sa nakatakda nyang paglipat sa National Shrine of St. Michael and the Archangels. Nagpasalamat din sya sa isang mabungang ministry ng kanyang pagkapari sa ating Parokya.
Nagpapasalamat ang BEC St. Joseph sa pamumuno ni Bro. Gary Pascual, BEC Servant Leader sa lahat ng mga tumulong at nakiisa sa Dawn Procession: sa Building Officials na sumuporta sa amin upang makabili ng bulaklak, pandesal at kape para sa mga sasama sa prusisyon; kina Sis. Visitacion Egana at Sis. Cristina Mejarito sa pagsasaayos ng karosa ng Mahal na Ina; at sa bawat isa na nakiisa upang maging matagumpay ang debosyon sa ating Mahal na Ina.
Pueblo amante de Maria.

Ni: Anthony Reyes

Leave a Reply

Your email address will not be published.