March 05, 2017 – Despedida Lunch for Fr. Hebert Camacho

Ginanap noong nakaraang Linggo, Marso 5, 2017 ang isang despedida lunch para sa ating mahal na parochial vicar na si Rev. Fr. Herbert Camacho. Ang munting salu-salo ay inihanda ng mga kapatid na pari ni Fr. Herbert sa St. John the Baptist Parish, kasama ang mga parish staff.  

Nagsimula ang munting salu-salo sa isang panalangin na pinangunahan ni Fr. Herbert. Pagkatapos ay sabay-sabay nagtanghalian ang mga staff at ang ating mga butihing pari sa SJBP. Naghandog din ang ating parokya ng isang larawan ni Fr. Hebert na naka photo mosaic bilang pasasalamat sa kanyang mga nagawang kabutihan sa ating parokya.

Bago matapos ang tanghalian ay nagkaroon ng group picture ang mga parish staff at ang ating mga kaparian kasama si Fr. Herbert. Nagpasalamat din si Fr. Herbert sa mga staff gayundin sa ating dalawang pari na si Msgr. Nestor Cerbo at Fr. Raul Cuyag.
Mula sa St. John the Baptist Parish ay nagpapasalamat kami sa inyo Rev. Fr. Herbert Camacho sa dalawang taon na pamamalagi dito sa aming parokya bilang parochial vicar. Pagpalain po nawa kayo ng Diyos.
Maraming Salamat po!

Leave a Reply

Your email address will not be published.