March 15, 2017 – Despidida Lunch para kay Ate Zoray

Ginanap nitong Marso 15, 2017, Miyerkules ang Despedida Lunch para kay Zorayda Ricafort o mas kilala natin bilang “Ate Zoray”. Naganap ang salu-salo sa Parish Celebration Hall kung saan sama-samang nagtanghalian ang mga parish staff at mga kaparian para sa despedida lunch na handog ng parokya para kay Ate Zoray. 
Nagsimula ang tanghalian sa isang panalanging pasasalamat na pinangunahan mismo ni Ate Zoray. Pagkatapos nito ay isa-isang pumila ang mga staff at mga kaparian upang kumuha ng kanilang pagkain at magsalu-salo sa isang mahabang mesa. Pagkatapos kumain ay naghandog ng maliit na souvenir picture collage ang parish staff kay Ate Zoray na kanya namang ikinatuwa at ipinagpasalamat.
Bago matapos ang tanghalian ay nagkaroon ng group picture ang mga satff at kaparian kasama si Ate Zoray. Nagpasalamat si Ate Zoray sa mga kasamahan niyang staff sa parokya at gayundin sa ating kura paroko na si Msgr. Nestor para sa mga magagandang alaalang kanyang babaunin mula sa ating parokya.
Si Ate Zoray ay  nagtrabaho sa ating parokya sa loob ng 15 taon bilang parish cashier at parish secretary. Maraming salamat Ate Zoray sa 15 taon na paglilingkod sa St. John the Baptist Parish Community!
Pagpalain ka nawa ng Panginoon sa panibagong yugto ng iyong buhay!

Leave a Reply

Your email address will not be published.