March 21, 2017 – New Candle Vendo Machine Installed

Nitong Marso 21, 2017 inihatid sa ating parokya ang bagong Candle Vendo Machine na magagamit ng ating mga parishioners sa kanilang pagbili ng kandila. Ang bagong candle vendo machine ay matatagpuan sa loob ng St. John the Baptist Candle Garden malapit sa ating bell tower.

Maari po ninyong itirik at sindihan ang inyong mga nabiling kandila sa ating candle garden at magdasal ng inyong petition sa pamamagitan ng ating mahal na patron, San Juan Bautista.

Sa tuwing bumibili po kayo ng kandila na galing sa candle vendo machine ay tinutulungan po ninyo ang ating mga katekista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.