July 09, 2017 – BEC Youth St. Joseph Sponsors Sunday Youth Mass

Ang Sunday Youth Mass ay ginanap noong ika-9 ng Hulyo 2017 sa ganap na 6:00 ng gabi. Ang misa ay pinangunahan ng ating kura paroko at priest-in-charge ng BEC Youth Ministry na si Rev. Msgr. Nestor C. Cerbo. Ang ating sponsor para sa Linggong iyon ay ang BEC Youth ng St. Joseph. 
 
Sa pasimula ng misa ay binati ni Msgr. Nestor ang mga miyembro ng BEC Youth St. Joseph at ang kanilang youth-in-charge na si Bro. Anthony Reyes. Sa homiliya ni Msgr. Nestor para ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon na may paksang, “Ang mga Bunga ng Pagiging Mapagkumbaba.” kanyang nabanggit ang apat na mabubuting bunga ng pagiging mapagkumbaba:  Ang pagiging mapagpa-iral ng pagkakasundo; ang ating pagiging mapagwagi o mapagtagumpay; ang pamumuhay na hindi ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu Santo; at ang kapahingahan para sa kaluluwa. 
 
Pagkatapos ng homiliya ay nag-alay naman ng isang munting panalangin si Bro. Anthony sa pamamagitan ng panalangin ng bayan. 
 
Bago matapos ang misa ay nagkaroon ng espesyal na pagbabasbas para sa mga nakatatanda edad 45 años pataas. 
Ang susunod na Sunday Youth Mass ay sa darating na ika-16 ng Hulyo 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published.