July 11, 2017 – BEC Ermitaño Street Mass

  19989316_1403383959746535_1126475025219450955_n
Nagkaroon ng Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa BEC Ermitaño na pinamunuan ng ating kura paroko, Rev. Msgr. Nestor C. Cerbo noong Hulyo 11, 2017, ganap na ika-7:00 ng gabi.
Marami rin ang dumalo at nakiisa kasama ang ating Worship Committee Head na si Tita Mila Enriquez, CWL Officer na si Zeny Lucea, at 2 Katekista na sina Rina Mauricio at Ayette Cereno bilang komunidad. Kahit medyo makulimlim ay natuloy ang pagdiriwang na ito at pinaghandaan ng lahat ng mga kaisa sa BEC. May mga kabataan din at hinikayat ni Msgr. Nestor na dumalo palagi sa misa at ang perfect attendance ay may munting regalong matatanggap at magkakaroon din ng “pa raffle” ng T-shirt ng SJBP na ikinasiya ng lahat.
20031699_1403387466412851_7278797337482252710_n
Sa homiliya niya, binanggit niya na may mga taong minamabuti ang ating mga ginawang mabuti/kabutihan at mayroon ding minamasama ito. Nagtanong si Msgr. Nestor, “Totoo ba iyon?” Ito rin ay nagiging totoo at naging totoo kay Hesus. May piping inaalihan ng demonyo at pinalayas ang demonyo sa piping ito ni Hesus. Ginawan Niya ng mabuti/kabutihan. Nagtanong muli si Msgr. Nestor, “Nakakita na ba kayo ng demonyo?” “Hindi pa po,” tugon ng lahat. Huwag ng pangaraping makakita nito at manalangin na lamang po tayo, ayon kay Msgr.
May 2 reaksyon ang tao dito: 1. Tao – humanga.namangha sa ginawa ni Hesus kailanma’y walang ganito kababalaghan nangyari. 2. Pariseo – A! pinalayas niya ang demonyo sa pipi. Ang tingin nila sa ginawa ni Hesus ay sa demonyo, minasama nila. Sila yung mga kontrabida kay Hesus.
19884211_1403387413079523_6449822908241172081_n
Tinanong din ni Msgr. Nestor ang mga tao kung may mga kontrabida ba sa kanilang buhay, at “opo” ang kanilang tugon. Dagdag ni Msgr. Nestor, bagamat ganito ang nangyayari, dapat tularan si Hesus sa patuloy na paggawa ng kabutihan. Kahit tayo po ay may mga kumukontra, patuloy po tayong gumawa ng kabutihan, tularan natin si Hesus. Ito po ang hamon sa atin. – patuloy gumawa ng kabutihan sa kapwa.
19961394_1403386463079618_3498205519090241387_n
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at sa inyong “pakikiisa, pakikipag-ugnayan at pagbabahagi.”
 
Ni: Sis. Elvie Almazar, BSL-BEC Ermitaño 

Leave a Reply

Your email address will not be published.