August 12-14, 2017 – Triduum at Feast Day ng Our Lady of Assumption sa BEC Salapan

  3 (2) 4 (4)
Mula August 12-14, Sabado hanggang Lunes, sa ganap na 5:15 ng hapon ay dinaos sa BEC Salapan ang Triduum mass para sa kapistahan ng Our Lady of Assumption. Lunes ng gabi ay dinaos ang prusisyon ng Mahal na Ina at umikot sa iba’t ibang kalye ng Brgy. Salapan.
5 (3)
6 (2)
Noong Martes, Agosto 15, ay ang araw ng Kapistahan ng Our Lady of Assumption. Ang nanguna sa 6:00 PM mass ay si Msgr. Nestor Cerbo, at sa kanyang homily ay nabanggit niya na ang bawat isa ay dapat tumulad sa Mahal na Ina na walang bahid ng kasalanan. Ang Mahal na Birheng Maria ay namatay na banal kaya hindi nabulok ang kanyang katawan dahil wala siyang nagawang pagkakasala sa buhay niya. Marami ang dumalo ng Feast Day at kasama na dito ang mga BEC Core group members, BEC Youth and Cell No. 1 ng BEC Salapan, at ang mga parishioners ng aming barangay na walang sawang nagbibigay ng panahon para sa activities ng aming chapel. Dumalo din sa misa ang aming Brgy. Captain Charles “Ayie” Tejoso at ilang mga Barangay Kagawad. Pagkatapos ng misa ay naghandog ng pagkain para sa mga taong nagsidalo.
2 (3)
1 (4)
Nagpapasalamat kami sa mga taong walang sawang sumuporta at nag-sponsor magmula sa unang araw ng Novena hanggang sa Araw ng Kapistahan ng Our Lady of Assumption.

Leave a Reply

Your email address will not be published.