JANUARY 06, 2018 – DEBOSYON SA MAHAL NA INA SA UNANG SABADO NG BUWAN NG ENERO SINIMULAN SA SAN PERFECTO

26855425_1956427077705176_1562372244_n   26755501_1956427154371835_187447260_n
Bilang hudyat ng simula ng ika-89 na taon na pagdaraos ng Kapistahan ng Poong Nazareno, pinangunahan ng BEC San Perfecto ang First Saturday Dawn Procession para sa buwan ng Enero na nagsimula sa sa Kapilya ng Nazareno ng ika-5:00 ng umaga.
26803268_1956427131038504_101029986_n
Kasamang lumahok ang mga kasapi ng Family Rosary Crusade at mga BEC members ng iba’t ibang barangay ng lungsod.  Kasama si Fr. Raul Cuyag, pinangunahan ng mga seriales – salamat kay bro Herwin Fortuno – ang prusisyon na tumahak ng mga kalye ng San Perfecto, Blumentritt, F Sevilla, at Pinaglabanan papunta sa simbahan kung saan idinaos ng ika-6:00 ng umaga ang isang Banal na Misa na sinundan ng Anointing of the Sick.
26793808_1956427261038491_1729711165_n
Kasalukuyang ginaganap na ang novena sa Poong Nazareno na magtatapos sa ika-17 ng Enero. Magaganap ang Triduo ng mga Banal na Misa sa ika-15, 16 at 17 ng Enero matapos ang mga Novena. Sa mismong araw ng fiesta ay may Banal na Misa sa ganap na ika-7 ng umaga habang ang prusisyon ay magsisimula ng ika-5:00 ng hapon.
Ni: Grace Ranjo

Leave a Reply

Your email address will not be published.