January 28, 2018 – BEC Youth Ermitaño Nanguna sa Sunday Youth Mass

Ang ating Sunday Yout Mass ay ginanap sa ating paroyka noong ika-28 ng Enero sa ganap na 6:00 ng gabi. Ang misa ay pinangunahan ng ating Kura Paroko, Msgr. Nestor C. Cerbo. Para sa Linggong iyon, pinangunahan ng BEC Youth Ermitaño ang pag-sponsor ng misa sa pamumuno ng kanilang BYSL (BEC Youth Servant Leader) na si Roxanne Muedan Alla, katuwang ang kanyang ABYSL (Assistant BEC Youth Servant Leader) na si Juliana Krishna Geneta. Mapalad din ang mga kabataan ng BEC Ermitaño dahil sa suporta ng kanilang BSL (BEC Servant Leader) na si Sis. Elvie Almazar kasama ang kanyang ABSL (Assistant BEC Servant Leader) na si Sis. Mildred Lugo.

Sinimulang ang misa isang pambungad na awit. Kasunod nito ay ipinakilala ni Msgr. Nestor ang mga kabataan ng BEC Ermitaño. Ang misa rin ay dinaluhan ng mga kabataan sa pamumuno ng kanilang mga BYSLs at ABYSLs.

Sa pagtatapos ng misa ay nagkaroon ng espesyal na pagbabasbas muli sa mga kabataan at mga bata na nagsimba para sa Linggong iyo.

Ang susunod na Sunday Youth Mass ay sa darating na Pebrero 04. Ang ating mass sponsor para sa susunod na Linggo ay ang BEC Youth Isabelita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.