March 03, 2018 – Bible Sharing ng BEC Salapan Asinas Cell

6 (6) 5 (9)

Noong Sabado ay nagtipon tipon ang BEC Asinas para sa Bible Sharing. Ito ay ginanap sa compound ni Sis Lourdes sa ganap na alas kwatro ng hapon. Pinag-usapan ng mga dumalo sa prayer meeting ang Sunday Gospel na kung saan ay pinagtabuyang palabas ni Hesus ang mga mangangalakal at mga binebentang baka at tupa. Sinabi Niyang wag gawing palengke ang bahay ng Kanyang Ama. Dito rin ay sinabi Niya na gibain ang templo at muli Niya itong itatayo sa loob ng tatlong araw, pero hindi lang ang mismong templo ang tinutukoy Niya kundi ang Kanyang katawan na muling mabubuhay pagkatapos ng tatlong araw. Nag-share ang bawat isa ayon sa Gospel na napakinggan.

Ni: Melissa Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published.