MARCH 11, 2018 – BEC CORAZON DE JESUS CHILDREN’S CATECHESIS

29134051_556351234745996_5380701884166176768_o 29178945_556351311412655_3133030375865974784_o

Muling ginanap ang children’s catechesis noong Marso 11, 2018 sa ganap na ika-2:00 ng hapon sa bulwagang pambaranggay ng Corazon de Jesus, sa pangunguna ng aming katekistang si Lory Visca kaagapay ang aming BSL Sis. Flor Casupanan. Nilahukan ito ng mahigit dalawampung (20) bata.

Itinuro ni Mam Lory sa mga bata kung paano dinarasal ang panalangin na Ama Namin. Ipinaliwanag din niya kung ano ang kahulugan ng bawat pangungusap na nakapaloob sa naturang panalangin. Aniya, ang Panginoon lamang ang ating sasambahin at susundin ang lahat ng Kanyang kalooban. At ang isang pagsunod sa Diyos ay ang pagsisimba ng mga bata linggu-linggo, gayundin ang pagpapatawad sa mga nagkakasala sa atin at paghingi din natin ng patawad sa nagawan natin ng masama.

Maraming salamat din sa umagapay at naghanda ng pagkain para sa mga bata na sina Linda Recto at Consolacion Boneo. Hanggang sa susunod na Linggo!

Ni: Monica Griba

Leave a Reply

Your email address will not be published.