MARCH 14, 2018 – THANKSGIVING MASS AT SALAPAN ELEMENTARY SCHOOL

29313033_10215035170088679_292806511664910763_n 29314038_10215035173448763_7459849247964136062_n

Sa pagtatapos ng school year 2017-2018, ang unang paaralan na nagdaos ng kanilang Misa ng Pasasalamat para sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ng Grade 6 ay ang Salapan Elementary School (SES). Ang Banal na Misa ay ginanap sa Our Lady of the Assumption Chapel sa Brgy. Salapan noong Marso 14, 2018, 11:00 ng umaga. Dinaluhan ng 114 na mga mag-aaral ng Grade 6 at kanilang mga magulang, mga guro, at Punong Guro Mr. Lloyd T. Tulaylay ang misa ng pasasalamat na pinamunuan ng ating butihing Kura Paroko, Rev. Msgr. Nestor Cerbo ng St. John the Baptist Parish.

Sa kanyang homiliya, mariing ibinilin ni Msgr. Cerbo sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ang kahalagahan ng paggawa ng tama sa lahat ng sandali. Baunin ang lahat ang mga kabutihang natutunan sa paaralan at isabuhay ito.

Matapos ang banal na misa ay nagkaroon ng maigsing pagpaparangal ang paaralang Salapan Elementary School na pinamumunuan ng kanilang napakasipag na punong guro, Mr. Lloyd Tulaylay para sa mga katekista at kay Msgr. Nestor C. Cerbo, para sa pakikipag-isa sa paaralan sa paghuhubog sa mga bata sa kabutihan at paglalapit sa kanila sa Panginoong Diyos.

Ang aming taos pusong pasasalamat sa buong-buo na suporta ng pamunuan ng Salapan Elementary School sa kanilang suporta at mainit na pagtanggap sa aming mga katekista sa kanilang paaralan upang magturo ng katekesis sa mga bata.

Ni: Catherine Ligunas

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.