MARCH 23, 2018 – THANKSGIVING MASS AT PEDRO CRUZ ELEMENTARY SCHOOL

29570724_1921946507847005_1791213234839384156_n

Taos pusong pasasalamat ang handog ng mga mag-aaral sa Grade 6 ng paaralang, Pedro Cruz Elementary School (PCES) sa pag-aalay nila ng Misa ng Pasasalamat noong Marso 23, 2018 sa ganap na 11:00 ng umaga, para sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral sa school year 2017-2018.

Ang banal na misa ay pinamunuan ng ating butihing kura paroko na si Rev. Msgr. Nestor C. Cerbo, at dinaluhan ng mga Grade 6 students, kanilang mga magulang, mga guro, at Punong Guro na si Ms. Marina Aunzo. Ginanap ang banal na misa sa 5th floor ng bagong tayo na paaralang Pedro Cruz Elementary School. Tunay ngang ang araw na ito’y nararapat lamang na ipagpasalamat dahil sa maraming mga biyayang kaloob ng Panginoong Diyos.

Sinimulan ni Msgr. Cerbo ang kanyang homily sa pagbati ng congratulations sa mga graduates, parents, teachers, at mga katekista. Sinabi ni Msgr. Cerbo na ang tao ay maaari kang itaas at maaari ka rin namang ibagsak. Pinayuhan niya ang mga graduates na sa susunod na school year, sa kanilang pagpasok sa iba’t ibang schools, ay itaas nila ang PCES sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magagandang marka at ang pagpapakita ng magandang ugali na kanilang natutunan sa paaralang pinanggalingan nila. Pinaliwanag din ni Msgr. Cerbo sa mga bata na dinakip ng mga Hudyo si Jesus sa kabila ng Kanyang mabubuting gawa sapagkat sabi nila ay nagpapanggap si Jesus na Diyos.

Ni: Catherine Ligunas

Leave a Reply

Your email address will not be published.