April 15, 2018 – Ministry of Altar Servers Nanguna sa Sunday Youth Mass

Ang Sunday Youth Mass ay ginanap noong ika-15 ng Abril sa ganap na 6:00 na gabi. Ang Banal na misa ay pinamunuan ni Rev. Fr. Mark Andrew Marbella, Resident Guest Priest. Nanguna naman ang Ministry of Altar Servers bilang youth mass sponsor para sa Linggong iyon.
Nagsimula ang misa sa isang pambungad na awit kasabay nito ay ang pagprusisyon ng mga liturgical ministers, mga miyembro ng Altar Servers at ang punong tagapagdiwang. Pagkatapos ng homiliya ay nag-alay ng maikling panalangin si Bro. Caneil Mansueto, miyembro ng M.A.S. sa pamamagitan ng panalangin ng bayan. Kasunod nito ay ang pagbibigay naman nila ng kanilang mga love offerings para sa ating simbahan.
Pagkatapos ng misa ay nagkaroon group picture ang mga miyembro ng Ministry of Altar Servers kasama si Fr. Mark.
Ang susunod na Sunday Youth Mass ay sa darating ng Abril 21, 2018 sa ganap na 6:00 ng gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.