April 29, 2018 – Multi-Media Ministry Nanguna sa Sunday Youth Mass

Ang Sunday Youth Mass ay ginanap noong ika-29 ng Abril sa ganap na 6:00 ng gabi sa SJBP. Ang Banal na misa ay pinamunuan ng ating Resident Guest Priest na si Rev. Fr. Mark Andrew Marbella. Nanguna naman bilang youth mass sponsor ang mga kabataan ng  Multi-Media Ministry sa pamumuno ng kanilang head na si Aizze Maneja.
Nagsimula ang misa sa isang pambungad na awit kasabay nito ay ang pagprusisyon ng mga liturgical ministers, mga miyembro ng Multi-Media Ministry at ang punong tagapagdiwang. Pagkatapos ng homiliya ay nag-alay ng maikling panalangin ang Multi-Media Ministry. Kasunod nito ay ang paghahandog naman nila ng kanilang mga love offerings.
Natapos ang misa sa isang espesyal na pagbabasbas.
Ang susunod na Sunday Youth Mass ay sa darating na ika-6 ng Mayo. Ang ating youth mass sponsor ay ang CFC Singles for Christ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.