MAY 04, 2018 – BEC ERMITAÑO NAGHATID NG TULONG SA MGA NASUNUGAN SA GREY STREET

33592058_10156332711293674_6241837312276168704_n

33487808_10156332711103674_1810523251512705024_n

33460063_10156332710453674_721736019635863552_n

Noong ikaapat ng Mayo ay nagkaroon ng sunog sa Grey Street sa Barangay Ermitaño. Dalawampu’t isang pamilya ang nasunugan. Agad itong ipinaalam ng BEC Ermitaño sa mga lingkod sa parokya, at hindi naman sila nagdalawang-isip na tumulong.

Hindi lamang tulong na materyal ang kanilang ipinaabot, kundi pati na rin tulong espirituwal sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin. Naging daan ito para maipadama ng BEC Ermitaño sa pangunguna ng inyong mga lingkod, Elvira Navaroza at Mildred Lugo, na makatulong sa aming mga ka-barangay na nangangailangan.

Mayroon ding ibang taong tumulong na hindi namin inaasahan, at nagbigay ng groceries, bigas, at damit. Bagamat mga simpleng bagay ang mga ito, para sa mga natulungan, malaking bagay iyon para sa kanila.

Muli, nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.