May 06, 2018 – Singles for Christ Nanguna sa Sunday Youth Mass

Ang Sunday Youth Mass sa SJBP ay ginanap noong ika-06 ng Mayo sa ganap na 6:00 ng gabi. Ang Banal na misa ay pinangunahan ng ating Kura Paroko na si Rev. Msgr. Nestor C. Cerbo. Nanguna naman sa Linggong iyon ang CFC Singles for Christ sa pamumuno ng kanilang lider na si Bro. Mike Estrabon.

Sa pagsisimula ng misa ay nagkaroon ng prusisyon ng mga liturgical ministers, mga miyembro ng Singles for Christ at ang punong tagapagdiwang. Pagkatapos ng homiliya ng Msgr. Nestor ay nag-alay naman ng maikling panalangin ang SFC sa pamamagitan ng panalangin ng bayan na dinasal ni Bro. Mike. Kasunod nito ang paghahandog naman nila ng kanilang mga love offerings para sa ating simbahan.
Bago matapos ang misa nagkaroon ng “roll call”  si Msgr. Nestor sa mga kabataan sa iba’t ibang BEC o barangay na nasasakupan ng ating parokya.
Ang susunod na Sunday Youth Mass ay sa darating na ika-13 ng Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.