May 13, 2018 – Youth For Christ “High School Based” Nanguna sa Sunday Youth Mass

IMG_7537 IMG_7548 IMG_7565
Ang Sunday Youth Mass ay ginanap muli noong ika-13 ng Mayo sa ganap na 6:00 ng gabi. Ang Banal na misa ay pinangunahan ng ating Kura Paroko, Rev. Msgr. Nestor C. Cerbo. Sa unang pagkakataon, nanguna ang Youth for Christ “High School Based” bilang youth mass sponsor para sa Linggong iyon, at sila ay pinamunuan ng kanilang youth representative na si Allyson Arandia.
Nagsimula ang Banal na misa sa isang pambungad na awit, kasabay ang pagprusisyon ng mga liturgical servers, ang mga miyembro ng Youth for Christ, at nang punong tagapagdiwang. Ipinakilala rin ni Msgr. Nestor ang mga miyembro ng Youth for Christ sa lahat ng mga dumalo sa misa. Pagkatapos ng homiliya ay nag-alay ng kanilang mga love offerings ang mga miyembro ng YFC.
Bago matapos ang misa ay nagkaroon ng espesyal na pagbabasbas para sa lahat ng mga ina.
Ang susunod na Sunday Youth Mass ay sa darating na ika-20 ng Mayo sa ganap muli na alas-6:00 ng gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.