JUNE 10, 2018 – SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION PARA SA MAY FLOWER ACTIVITY ATTENDEES

34885717_10215705512086810_4517280073165832192_n

34984849_10215705512326816_5510705085312663552_n

Bilang bahagi ng pagtatapos ng May Flower Activity ng parokya ay namigay po ng mga school supplies para sa mga batang nagsipagdalo ng May Flower Catechesis. Tinanggap ng mga guardians ang mga nasabing school supplies noong Hunyo 10, 2018 sa ganap na 10:30 ng umaga sa loob ng parokya ng St. John the Baptist Parish. Ang mga guardians ang siyang inatasan upang ipamahagi ang mga ito sa mga bata ng kani-kanilang BECs.

Tunay ngang napakabuti ng Panginoon at nagpadala Siya ng mga taong may mabubuting kalooban na nagdonate ng mga school supplies para sa mga batang matiyagang nagsidalo at nakiisa sa May Flower Catechesis 2018. Ang taos puso naming pasasalamat sa mga nag-donate ng school supplies lalo na po sa St. John the Baptist Catholic School na aming katuwang sa taunang activity na ito. Pagpalain nawa kayo lalo ng Panginoon. Maraming Salamat pong muli.

Ni: Catherine Ligunas

Leave a Reply

Your email address will not be published.