JUNE 23, 2018 – MARINGAL NA PRUSISYON PARA KAY SAN JUAN BAUTISTA

Kasunod ng ikahuling misa nobenaryo, agad na ginanap ang maringal na prusisyon alay kay San Juan Bautista na tinahak ang mga kalye ng F. Sevilla, F. Blumentritt, San Gabriel, San Perfecto, Katubusan, Rivera, GB Santos, N. Domingo, at Pinaglabanan.

 

Bagamat may panaka-nakang pag-ulan, maaliwalas pa ring nairaos ang prusisyon. Nagpasalamat si Msgr. Nestor Cerbo sa lahat ng nakiisa sa siyam na araw na paghahanda para sa kapistahan, at inanyayahan ang lahat sa pangwakas na pagdiriwang na gaganapin sa susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published.