JUNE 23, 2018 – PARISH SOCIAL SERVICES AND DEVELOPMENT MINISTRY’S “HANDOG NI SAN JUAN”

Sa kauna-unang pagkakataon, nag-organisa ang Parish Social Services and Development Ministry (PSSDM) ng “Handog ni San Juan” noong Hunyo 23, 2018 sa ganap na ika-8:00 ng umaga sa Parish Celebration Hall.

 

Binuo ang naturang programa sa pamamagitan ng mga donasyong damit, sapatos, bag, laruang pambata at iba pa, na handog ng Rockwell Foundation. Nag-umpisa ang programa sa pagdarasal ng pasasalamat at pagbabasbas ni Msgr. Nestor Cerbo sa mga mahigit 65 beneficiaries na hinati mula sa 13 BECs na nasasakupan n gating parokya ng St. John the Baptist.

 

Limang piraso ng kahit anong kagamitan ang maaari nilang piliin kada isang tao at binigyan sila ng 5 minuto para makapamili. Naging matiwasay at organisado ang programa at lahat ay umuwing may ngiti sa kanilang mga labi. Maliit man o malaki ang kanilang nakuha, ang mahalaga ay magagamit at makakatulong sa kanilang pangangailangan.

 

Muli, nagpapasalamat kami sa Rockwell sa walang sawang pagbibigay ng tulong sa ating parokya, maraming salamat din sa mga nakiisa sa programang ito, unang-una na diyan ang ating kura paroko, Msgr. Nestor Cerbo, mga BSL’s, PSSDM Volunteers, at ang aming masipag na PSSDM Head Sis.Melinda Eli, sa walang kapagurang pagpaplano at pag-organisa ng naturang programa. Nawa’y maging taon-taon na nating gawain ito at marami pa sanang mahandugang tulong.

 

“Magbigay kayo at kayo’y bibigyan din, hustong takal, siksik, liglig at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo” – Lucas 6:38.

 

Ni: Monica E. Griba

Leave a Reply

Your email address will not be published.