JUNE 21, 2018 – IKA-7 ARAW NG MISA NOBENARYO

 

Dahil sa lakas ng pagbuhos ng ulan nang hapon na iyon, hindi pinalad na makarating ng ating parokya ang naimbitahang pari na si Fr. Christopher Salonga. Sa halip, ang paring nagdiwang sa ikapitong araw ng misa nobenaryo ay si Fr. Francis Salcedo. 

 

Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan  ni Fr. Francis ang mga San Juaneño na bukod sa masayang pagdiriwang ng basaan sa araw ng fiesta, dapat din nating maunawaan ang totoong kahulugan ni San Juan Bautista sa ating pananampalataya. Dagdag pa niya, si San Juan Bautista ay ehemplo ng paninidigan sa katotohanan. Laganap na ang kasinungalingan sa mundo ngayon kaya wag na nating dagdagan sa pamamagitan ng tubig ng pananampalataya ni San Juan Bautista, linisin natin ang mga kasinungalingan na matagal ng nananahan sa ating mga kalooban.

Leave a Reply

Your email address will not be published.