November 11, 2017 – KidCat sa BEC Rivera

23519219_10155828261333674_4832304488087190320_n
Isang mapagpalang hapon na naman ang pinagsaluhan ng mga bata sa BEC Rivera para sa kanilang lingguhang KidCat (Kid's Catechesis) na ginanap noong Nobyembre 11, 2017 sa ganap na ika-4:00 ng hapon sa Maneja's Residence. Tungkol sa "Talinghaga ng Sampung Dalaga" ang naging paksa ng kanilang pag-aaral. Nakatulong ang pagpapanood ng animated short film sa mga bata upang lubos nilang maunawaan ang mensahe ng nasabing talinghaga --- ang kahalagahan ng pagiging handa sa lahat ng pagkakataon. Ka...
More

November 04, 2017 – KidCat sa BEC Rivera

23131023_10155796850753674_1463998521700750535_n (1)
  Masaya na namang nagtipun-tipon ang ilang mga bata sa BEC Rivera para sa kanilang lingguhang KidCat (Kid’s Catechesis) noong Nobyembre 4, 2017, 4:00 PM. Naging paksa ng hapong iyon ang tungkol sa “Pagpapakumbaba” o “Being Humble” na isa sa itinuturo ng ebanghelyo para sa ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon. Nagkaroon ng pagkakataon ang bawat bata para magbigay ng mga katangian ng mga taong mayabang na hindi dapat tuluran. Pinaalalahanan ang mga bata na huwag maging mapagmataas lalo na kung it...
More

October 22, 2017 – BEC Youth Rivera Sponsors Sunday Youth Mass

IMG_7121
  Ang Sunday Youth Mass ay muling ginanap noong ika-22 ng Oktubre sa ganap na 6:00 ng gabi. Ang Banala na Misa ay pinamunuan ng ating Kura Paroko at Priest-In-Charge ng BEC Youth Ministry na si Rev. Msgr. Nestor C. Cerbo. Pinaunlakan ng BEC Youth Rivera ang paanyaya sa kanila bilang sponsor para sa linggong iyon. Ang misa ay nagsimula sa isang pambungad na awit kasabay nito ay ang pagprusisyon ng mga liturgical ministers at ng punong tagapagdiwang. Sa pagsisimula ni Msgr. Nestor ay kanya...
More

October 13, 2017 – BEC Rivera, Mapagpalang Idinaos ang Kanilang Kapistahan sa Kabila ng Masungit na Panahon

22448605_1474847469235439_8433295210505283770_n
  Naging masungit ang panahon maghapon noong Oktubre 13, 2017 kung kaya inakala ng nakararami na hindi na tuloy ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima sa BEC Rivera. Maaalalang halos ganito din ang tagpo noong Oktubre 13, 1917 sa Fatima, Portugal noong ika-6 na buwang pagpapakita ng Mahal na Birhen kung saan nagpakita ang milagrasong haring araw, at tinuyo ang noo'y basang-basang mga tao at lupa dahil sa malakas na ulan ng araw na iyon. Tulad ng pagdiriwang...
More

October 10-12, 2017 – BEC Rivera, Nagdaos ng Triduum Mass Bilang Paghahanda sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima

22365513_10155734793413674_3944578581454426617_n
   Bukod sa siyam na araw na pagno-nobena, nagdaos din ng Triduum Mass ang mga taga-BEC Rivera noong Oktubre 10-12, 2017, ika-7:00 ng gabi sa kanilang Chapel, bilang paghahanda sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima na gaganapin ng Oktubre 13, 2017. Ang bawat araw ng triduum ay espesyal na inialay para sa mga residente ng barangay – ang unang araw ay para sa mga taga-Rivera St. at Katubusan St.; ikalawang araw ay para sa taga-C. Olazo St. at San Manuel St.; at ang huling araw naman ay para ...
More

October 07, 2017 – KidCat sa BEC Rivera

22384422_10155734760523674_1748803657873539317_o
Noong nakaraang Oktubre 7, 2017, ginanap ng mas maaga ang KidCat sa BEC Rivera sa ganap na alas-3:00 ng hapon. Nanood ang mga bata ng pelikulang "The Miracle of Our Lady of Fatima" na tumagal ng halos dalawang oras. Nag-serve din ng popcorn sa mga bata para mas ma-enjoy nila ang panonood ng pelikula. Pagkatapos ng pelikula, nagkaroon ng maikling pagpapaliwanag si Ate Imah tungkol sa mensahe ng kanilang pinanood. Nagkaroon din ng Q&A upang masiguradong naunawaan ng mga bata ang aral ng hapo...
More